Serendipity |
|
Lost and Found and Lost Again
Tinanong ako ng isang kaibigan ng “Ano ang pinakasweet na ginawa sa’yo?” Ang daming pumasok sa utak ko. Andyan yung binigyan ako ng bulaklak, chocolates, candies, stuffed toy, card, sulat at kung ano pang mga bagay; binibigyan ako ng kung ano-anong suprises at kagimikan; tatahakin ang traffic kung saang lupalop man sila galing masundo lang ako; nagseset ng picnic sa lagoon; pinagbabake ako ng mango tart every Christmas; dinala sa antipolo ng nakablindfold para panuodin ang sunset habang sinasayaw niya ako; at madaming madami pa. Habang naiisip ko ang mga ito napapangiti na lang ako at napaisip na ano nga ba ang pinakasweet na ginawa sa akin?
Siguro ang isa sa mga hindi ko talaga malilimutan ay yung ginawa ni Michael C. Kaibigan ko lang siya hindi ko siya naging boyfriend ok. Pinakilala siya sa akin ng eldest brother ko. Yung brother ni Mike at ang brother ko ang magkaibigan. Nabuo ang aming pagkakaibigan sa paguusap sa phone at computer lang. Magsisimula na kaming mag-usap pag-uwi ko galing sa school hanggang sa matutulog na ako. Kahit na kumakain kami ng dinner magkausap pa rin kami. Second year high school ako sa UPIS sya naman 1st year sa Ateneo (may grade 7 sila diba kaya ahead ako ng 1 year). Ilang taon din kaming ganun hanggang sa umalis na siya at pumuntang Singapore kasi buong family niya andun na.
Ilang taon din kami nawalan ng communication hanggang sa isang araw mga 1997 ata may natanggap akong email. Hindi ko alam kung paano niya nahanap email address ko. So nagkamustahan at nagkwentuhan sa mga nangyari sa amin mula nung umalis siya ng Pilipinas. Hanggang sa nabura na yung e-mail account ko dahil 2 months ko atang hindi nabuksan.
Isang gabi ng December 2000 may natanggap akong tawag sa cellphone ng 12 midnight, si Mike. Umuwi siya ng Pilipinas para manuod ng Ms. Saigon. Tinanong ko kung paano niya nakuha ang cellphone number ko ang sagot lang niya eh magaling lang daw talaga siyang maghanap. Ang laki ng pinagbago niya, baluktot na sya mag Filipino at malaki na ang boses niya (though baluktot na talaga magFilipino yun mas naging baluktot lang atsaka may lahi siyang Chinese). Nagusap kami hanggang umaga na. Nakikipagkita sya. Sa sobrang tagal na naming magkaibigan kahit isang beses hindi pa kami nagkita kahit sa picture hindi ko pa siya nakikita pero siya nakita na niya picture ko. Sabi ko itetext ko na lang siya dahil hindi ko alam kung gusto ko ba talagang makita siya. At that time may boyfriend ako at ayaw ko na simulan ng pag-aaway namin si Mike dahil kakabalikan lang namin.
That morning tawag na ng tawag si Mike sa cellphone. Sabi ko I can’t meet him kasi busy ako which is quite true. May Jag and Lee sale kasi ang org ko that time at konti talaga ang members na tumutulong. At that time yung boyfriend ko ang Presidente ng org syempre ayaw ko naman iiwan diba. Habang nagpapakabusy ako sa pagsusulat sa mga resibo ng mga nagsasauli ng pantalon dahil sa kung ano mang dahilan eh may lumapit sa akin na lalaki at tinatanong kung ako si Lexie. Ang naisagot ko eh “Mike?” sabi nya “Yes” .Nag-usap kami for a couple of minutes lang kasi naiilang na ako dahil nakatingin na sa amin ang mga orgmates ko dahil nakakakuha siya ng atensyon dahil sa english speaking, matangkad at may itsura talagang may itsura, okey fine sige na gwapo. Hinanap namin ang boyfriend ko para ipakilala pero hindi ko makita sa dami ng tao. Umalis na si Mike dahil nga sa busy ako at tatawagan na lang daw niya ulit ako para makalabas daw kami bago siya bumalik ng Singapore. Siguro nasa ibaba palang sya ng building ng ISSI eh nagring na ang phone ko at si Mike ang tumawag. So that day text text lang kami, nagkwekwento sya sa mga nangyayari sa kanya sa mga oras na yun. Ngunit dahil sa kamalasan nung gabing iyon eh nanakaw ang telepono ko at mula noon nawalan na kami ng communication AGAIN.
So ano ang sweet dito? I find it sweet kasi isang tao na matagal ng wala sa Pilipinas eh sinuyod ang buong UP para hanapin kung nasaan ako. Atsaka nahanap niya noon ang email address ko at cellphone number. Kung ako nasa lugar niya wala siguro akong lakas loob na hanapin ang isang tao. Ibabaon ko na lang siya sa alaala ko.
Hindi ito ang pinakasweet pero I’m so sure na ito ang isa sa mga hindi ko malilimutan.
Actually mababaw na tao lang naman ako in terms of madaling pasayahin. Madaling matouch. Maisip lang ako ng isang tao natutuwa na ako, tipong magpapamisscall or "Hi" lang ang laman ng text. Tulad mo ngayon pinapasaya mo na ako dahil yung kaunting oras mo na binibigay sa akin sa pagbabasa nitong sinulat ko. Maraming salamat!
chum chants the magic words at 3:18 PM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|