Serendipity |
|
HBD Big Bro!
Happy 33rd Birthday Kuya Norman!!! (Diba ibuko ang edad!) Thank you so much for everything. Kahit buong buhay ko pa ang ipangbayad ko eh I can't repay you for all the things you've done and doing for me. Sa twenty-five years kong nasa mundo ikaw na ang tumayong daddy ko, ikaw ang bestfriend ko na hindi ako iniiwan, at syempre ang big bro ko na andyan palagi para sa akin.
Sobrang namimiss ko yung mga ginagawa natin dati:
Yung pagpunta sa Kowloon para kumain ng Jumbo Pao, sa Jollibee para sa spaghetti, sa UP para mag-isaw, sa Glori’s para magfishballs at mag gulaman, sa SM para magfood trip at kung saan-saan pang lugar para lumamon. Sa Select or Tree House para uminom or minsan sa bahay lang at bibili lang tayo sa labas.
Namimiss ko yung paggising mo sa akin ng umaga para turuan akong magbasketball (na wala talaga akong future duon) or magjog or magbike. Pero naiinis ako sa way ng paggising mo eh kung hindi mo ako hinahatak sa kama hanggang mahulog na ako sa sahig eh dadaganan mo ako.
Namimiss ko yung pagrent natin ng mga VHS tapes (oo VHS pa, ganun na katagal yun) at nagmomovie marathon tayo habang lumalamon.
Namimiss ko yung mga pangpipikon na ginagawa mo sa akin. Namimiss ko kapag nagbabasa ako ng pocketbook eh babasahin mo na yung ending at ikwekwento mo na sa akin, kaya kapag nagbabasa ako tinatago ko na mga libro ko eh.
Namimiss ko yung pag-antay ng pag-uwi mo sa madaling araw dahil I’m sure may pasalubong ka sa aking salad or pasta or cheesecake na gawa mo.
Namimiss ko yung wrestling natin na palagi tayong pinapagalitan ni Mom hindi dahil ginugulo natin ang kama dahil ang tanda-tanda mo na daw maharot ka pa din at ako kababaeng tao ko ang harot-harot ko. Titigil tayo ng sandali at pag nawala na ulit si Mom eh magbubuntalan nanaman tayo. Namimiss ko yung arm wrestling natin na parang mananalo naman ako sayo na kahit buong bigat ko pa ang ilagay ko eh wala akong kapanalo nalo noh! Namimiss ko din yung suntukan natin na akala mo eh kahit mahina ang suntok mo eh malakas noh! Ikumpara mo naman ang katawan ko sa katawan mo.
Kahit yung mga panahong nagagalit ka sa akin eh namimiss ko din yun na kahit sobrang inis na inis ka na at gusto mo na akong batukan eh hindi mo magawa kasi alam ko love mo ako.
Namimiss ko din na kapag nagaaway tayo eh lahat na ng masasakit na salita eh masasabi natin pero in the end palaging ikaw ang unang nagsosorry at inaamin mo mga mistakes mo. At kahit na pikon na pikon na ako sayo at galit na galit eh ikaw pa rin ang unang kakausap sa akin, haha…Naalala mo ba nung sinabi ko sayong “Hindi ako si super girl okey?”…Natatawa pa rin ako kapag naalala ko yun kasi galit na galit na tayo sa isa’t isa pero nung sinabi ko yun tinawanan mo ako at natawa na ako sa sarili ko.
Basta lahat namimimiss ko na kahit nasaang lugar man tayo at nag-uusap or nagkwekwentuhan lang. Ang isa sa mga hindi ko malilimutang sinabi mo sa akin sa Tree House noon eh nagselos ka nung nagkaboyfriend ako kasi bigla ako naging dalaga at hindi mo na ako maharot. Wala lang po.
Madami pang kwento…madami akong namimiss about you…Maraming maraming maraming salamat kuya. Ang madami pang bagay na dapat kong ipasalamat sa'yo. Kung ano ako ngayon ay napakalaki ng naging papel mo. Marami akong natutunan sa'yo tungkol sa buhay, akala mo lang hindi kita pinakikinggan. Maraming salamat sa suporta, sa paguunawa, sa pag-mamahal. Sana lang alam mo na mahal na mahal kita Kuya.
chum chants the magic words at 11:25 AM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|