Somebody
I want somebody to share, share the rest of my life
share my innermost thoughts, know my intimate details.
Someone who'll stand by my side, and give me support
and in return, he'll get my support.
He will listen to me, when I want to speak
about the world we live in, and life in general.
Though my views may be wrong, they may even be perverted
he'll hear me out, and won't easily be converted.
To my way of thinking, in fact He'll often disagree
but at the end of it all, he will understand me
Somebody. First time kong narinig ang kantang ito sobrang nagustuhan ko na. That time elementary palang ako. Panahon kasi ito ng mga kuya ko, kaya madalas kong marinig. Bata palang ako eh senti na ako. Naalala ko pa nung college sa Hum2 class ko, ang kantang ito ang naging topic ng report ko, at may sketch pako ng isang tao, na habang nagskesketch ako ang background music ko ang Somebody. Katulad ngayon habang sinusulat ko ito nakikinig ako ng Somebody.
I miss having a Somebody, whom I can share my happiness, my sadness, my fears, my this, my that, my ALL. Lately, I feel so alone. I know I have lots of friends, pero minsan kapag im so happy or so sad naghahanap ako ng someone para ishare ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Minsan yung mga bagay na iyon gusto kong ishare kay Marc, kasi the last time we really talked we had a deal na we will be the best of friends and we sealed it with a handshake,a hug and a kiss. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari.... Lumayo siya...nagpakalayo layo na.
There was a time na I had a somebody na 1/4 ng buhay ko kasama ko siya. Kalahati ko ay siya, at kalahati niya ay ako. Akala ko habang buhay na yun. Lahat ng ginagawa ko sa buhay ay kasama siya. Siya ang mundo ko, sa kanya ko pinaikot ang buhay ko. Wala na akong ibang alam kung hindi SIYA.
Nung nawala siya gumuho talaga ang mundo ko. Lately naiisip ko Siya at mga bagay na ginawa niya para sa akin, at masasabi kong namiss ko yun lahat. Hindi ko mababaon sa limot ang lahat ng nangyari sa amin, magkakaroon talaga ng panahon na maalala at maalala ko siya. Lalo na kapag may mga bagay akong nakikitang nakapagpapaalala sa kanya. Madami akong maikwekwento about him, just imagine na magkasama kami for more than five years.
Isa sa mga ginawa niya for me na hindi ko malilimutan eh nung 18th birthday ko, dinala niya ako sa bahay nila Lala, may suprise birthday party pero pagkakanta nila ng Happy Birthday hinatak na niya ako palabas, nilagyan ako ng blind fold ni Len at dinala sa pick-up niya (na hindi ko alam na dala pala niya kasi nagcommute kami). Sobrang lakas ng sounds, tinatakot pa nga niya ako na itatanan na daw niya ako, dahil 18 naman na daw ako. Hindi naman ako KJ kaya hindi ko tinanggal yung blind fold. Hanggang sa nagstop yung sasakyan, bumaba sya at binuksan ang pintuan ko. Nasa Antipolo na pala kami. Inalalayan niya ako sa pagbaba, tinanggal niya ang blind fold at pinanuod namin ang paglubog ng araw habang sumasayaw ng sweet. Ang audience namin ay mga kabarkada ko na nakaupo sa likod ng pick-up(akala ko dalawa lang kami). Pag-uwi galing Antipolo. Hug ko si Trixie (pangalan nung bear, pinaghalong Tristan & Lexie)
About Trixie, meron kasing sobrang malaking bear ng Forever Friends sa National Bookstore sa Katipunan nung high school ako, sabi ko kay Lala, "Kung sino ang magbibigay sa akin niyan eh papakasalan ko." Sinabi pala niya yun kay Tristan, pero si Trixie half lang yung size niya duon sa bear sa National Bookstore. Ang sabi ni Tristan "Bossing, hindi man yan ganun kalaki, pero sana ako na yung pakasalan mo. Yan lang kasi ang nakayanan ko."
May isa pang hindi ko malilimutan, Last Valentine’s day we had. Super busy that time sa Math Club dahil malapit na ang Math Wizard. Hahatid na niya ako hanggang bahay, pero ayaw ko ng magpahatid dahil alam kong pagod na siya at madami pa siyang gagawing school work. Pero wala na akong nagawa kasi sumakay na siya ng tricycle, hindi pa kami nakakalayo may kinuha siya sa backpack (pareho kami ng bag, black na Benetton na backpack, Christmas gift namin sa bawat isa) Inabot niya ang Ferrero, favorite chocolate ko. Tapos nagsorry sya na yun lang daw gift niya kasi super busy siya, sabi ko okey lang naiintindihan ko naman. Pagdating ng bahay inutusan kami ng mom ko na magwithdraw.
Habang nakapila kami sa ATM may hinahanap siya sa wallet niya, sabi niya wala na daw siyang money tapos mukhang inis pa siya. Nagsorry ako kasi baka nainis dahil nagpasama pa ako magwithdraw. Pag-uwi namin may hawak si mom na bouquet ng flowers biglang sabi “Para sa iyo”. Nataranta ako kasi sino naman ang magpapadala ng bulaklak sa akin eh kasama ko si Tristan, hindi ako makatingin sa kanya, kasi nagtanong ng “Sino nagpadala?” Nung kinuha ko na yung flowers, binasa ko yung card, galing sa kanya. Sabi niya “O, bossing bakit ka naiiyak?” I just hugged him. Sabi niya kaya daw siya may hinahanap sa wallet niya kasi hinahanap niya yung resibo dahil 7PM daw niya pinadeliver at gusto niyang ako ang makatanggap at makita ang reaction ko.
Madami pa, andyan ang kwentong Kit-Kat, Suman, First Velantines date, Mcdonalds Katipunan, T-shirt na Giordano, Date every Wednesday, Uuod sa Chicken Mami ng Chowking, Cards, Tuna Sandwich, Counter Strike, Driving Lessons, Ham, Jacket, Misis, Bossing, Ms. Saigon, MRT, AS 101, Tambayan, Math Club, Lagoon, Puno ng Buko sa Sunken Garden, Cellphone, Letter, Notes, 1x1 pictures, Payong, SM North, Philcoa, Circle, PE 1, UPIS, CASAA, CHE, Escape at Delete sa Keyboard, JS Prom, Huling El Bimbo ng Eraser Heads, Car Accident, Fishball at Isaw, After every class, Star Bucks, Ripley's Believe It or Not, Tagaytay, at napakadami pang iba. Bawat isa ay may kwentong hindi malilimutan.
Matagal bago ako naging handang magkaroon ng Somebody ulit. Lahat ng mga hindi ko ginawa na dapat ginawa ko and vice versa ay sinubukan kong gawin sa sumunod kong Somebody. Kasi takot na akong masaktan, sawa na akong masaktan, ayaw ko ng masaktan. Minsan na akong nasaktan at ayaw ko na maulit yun kasi minsan na akong nadapa, nahirapang bumangon at hindi ko alam kung makakayanan ko pa ulit bumangon kapag nadapa pa ako ulit. May sugat na, kapag nadapa ulit ako mas lalalim ang sugat, mas masakit.
Pero siguro ganun talaga ang buhay, na kahit gaano pa ako kaingat ay madadapa at madadapa talaga ako pero isa lang naman ang kailangan kong gawin, tumayo ulit sa pagkakadapa.
I want somebody who cares, for me passionately.
With every thought and with every breath.
Someone who'll help me see things, in a different light.
All the things I detest,I will almost like.
I don't want to be tied, to anyone's strings,
I'm carefully trying to steer clear of those things.
But when I'm asleep I want somebody
who will put their arms around me and kiss me tenderly.
Though things like this make me sick in a case like this
I'll get away with it
chum chants the magic words at 6:00 AM||
* * * * * * * *
|