Serendipity |
|
PRoFeSSioNaL MaiD
Feeling ko ang ikli ng mga araw ko ngayon. Tulad kahapon wala pang alas-otso ay nagsisimula na akong magtrabaho. Ang daming kailangan gawin at tapusin sa opisina. Mula sa mga Budget Officers, sa Supervisor ko hanggang sa Director may mga pinapagawa. Hindi ko nga namalayang alas-singko na pala.
Kahit na kailangan kong umuwi agad ay hindi pwedeng hindi ako dadaan sa Chapel. Kung dati oras ang nilalagi ko duon ngayon ilang minuto na lang. Kung dati nakakaattend pako ng mass ngayon sa Adoration Chapel na lang ako.
Pagdating ko ng SM, nagrocery ako. Ang hirap pala magbudget at magisip ng mga uulamin. Syempre iniisip ko yung mga kaya ko lang lutuin. Lalo na ngayon na lang ulit maprapractice ang aking cooking skill.
Pagdating ng bahay, binaba ko lang ang bag ko at inayos ko na mga pinamili ko. Inihanda ko na rin ang ulam na lulutuin ko.
Kahit na pagod na ako sa trabaho ay kailangan kong magtrabaho sa bahay. Ayaw ko iasa sa kuya ko ang mga gawain sa bahay. Ang mommy naman ang nagbabantay sa shop.
Habang nagluluto, nagpupuno ako ng tubig, naglilinis ng kusina, at naghuhugas ng pinggan. Umalis na kasi ang katulong namin for 26 years (pinagbubuntis palang ako ng mommy ko katulong na namin sya. May sakit kasi yung katulong namin). Buti na nga lang medyo mapurol ang kutsilyong gamit ko dahil kung hindi siguradong nahiwa ko na ang daliri ko. Yun kasi ang paborito kong kutsilyo, na kahit mapurol na yun pa rin ang ginagamit ko (O diba pati sa kutsilyo may favorite ako).
Pagkatapos magluto ay naghain na ako. Kumain. Nagligpit ng pinagkainan. Pinakain ang mga doggie at si ningning at naghugas ng pinagkainan. At nagpatulog ng pamangkin.
Ngayon ko na naiisip ang pagod at hirap ng Mommy ko noon. Ganoon din ang ginagawa niya nung nagtratrabaho pa siya. Pagkatapos magtrabaho sa opisina, paguwi ay sa bahay naman nagtratrabaho. May katulong naman kami ng mga panahong iyon pero syempre sinusupervise niya. Sabi nga nila kailangan mo munang maexperience ang isang bagay bago mo ito maintindihan. At ngayon na ako na ang gumagawa ng ganoong bagay ay mas naappreciate ko ang pagiging Ina ng mommy ko.
Minsan naiisip ko, pagdating kaya ng panahon maging mabuting asawa at ina rin kaya ako? Sabi ng kuya ko oo daw. Kasi hindi ako selfish, binibigay ko ang lahat, maasikaso, sobra daw ako magmahal sa mga taong mahal ko. Swerte daw ng mapapangasawa ko kasi aalagaan ko talaga siya at masarap daw ako magluto.
Biglang naisip ko bakit nasabi ni kuya na masarap ako magluto. Masarap kaya talaga ako magluto o sinasabi lang niya yun para may cook lang sila sa bahay? Hmmm...
Pabirong sabi ni Mommy na training na daw iyon kapag may pamilya na ako.
Minsan naiisip ko ang mga pinagdaanan ko sa buhay at mga pagdadaanan pa. May mga magaganda at meron namang hindi. May mga responsibilidad na ginagawa ko ngayon na hindi ko naman ginagawa noon at vice versa. Pero ang kinakatuwa ko atleast may pinagkakatandaan ako at natututo ako.
Pero ang isa sa mga magandang natutunan ko ay kahit mangiyak ngiyak na sa paghihiwa ng sibuyas ay huwag kukusutin ang mata na may hawak na kutsilyo. Hehehe...
chum chants the magic words at 11:05 AM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|