Serendipity |
|
SePTeMBeR 16
1. The 100th day before Christmas. 2. The sweetest day on the first month of the "ber" months. 3. The 259th day of the year (260th in leap years) 4. The 16th day of the 3rd month of the JASON (July, Aug., Sept., Oct., Nov.) 5. It's my birth date.
Wala talaga akong plan ngayong day, tipong come what may. Lahat ng mga celebration ay sa ibang araw nakaschedule. Titignan ko lang kung ano ang mangyayari sa araw ko.
Kinantahan ako ng "Happy Birthday" ng mga kasamahan ko sa Technical Division na may kasama pang dance galing sa supervisor ko na kakagaling lang sa sakit, kaya nga lang daw siya pumasok dahil birthday ko. Naks! Touched naman ako. Binigyan nila ako ng candle na may design na Mama Mary. Huwag ko daw sisindihan kasi baka maging kuba ako (iba ang version namin).
The usual, tambak pa rin ang trabaho ko ngayong araw. Sabi nga ni Chelin overworked at underpaid daw ako. Hmmm...okay lang naman, masaya pa naman ako sa ginagawa ko. Like last year, nagpakain ako ng lunch sa office.
Usually kapag lunch break umiidilip ako or nagaattend ng mass or nagiinternet or nagtratrabaho pa rin. Pero kanina nakipagtsismisan ako sa telepono dahil tumawag si Corbi.
So after ng lunch break back to work na. Nagplanong kumain ng isaw ang mga officemates ko after work, pero tinamad dahil umuulan. Ang hirap daw kumain ng isaw na may hawak na payong, hindi daw makakaconcentrate sa pagkain.
Click the thumbnail to see full-size image Nagmeet kami ni Mrdl sa Bahay ng Alumni itretreat niya ako dahil birthday ko (diba baliktad?) Habang naghuhuntahan kami ang dami naming nakitang mga old friends. Kumain kami sa Chocolate Kiss kasama ang pinsan ni Mrdl, si Liszt at after a couple of minutes sumunod naman si Corbi. Bukod sa libreng dinner binigyan ako ni Mrdl ng slice ng Devil's Food Cake na may isang candle, halos mangalahati na ata yung candle bago ko iblow dahil sa dami ng wish ko.
Naghyperventilate ata ako sa kakatawa, ang kukulit kasi ng mga kasama ko. Okay, fine, sige mas makulit na ako sa kanila. Sumakit ang dibdib at pisnge at lumabas ang talent ko na umiiyak habang tumatawa (hindi ako baliw, naiiyak lang ako sa sobrang kakatawa) si Corbi daw sumakit ang tyan dahil sa...sa...sa kakatawa.
Yan lang halos nangyari sa akin ngayon araw, bukod sa pagreply ng "MaRaMiNG THaNK You Po!!! GiFT Ko?" sa mga nagtext sa akin, sa pagsagot sa mga tumawag para bumati, sa pagreply sa mga birthday emails, sa pagsabi ng "Thank you" or "Salamat po" sa mga nakakasalubong kong bumabati sa akin.
Walang nangyaring extra special sa akin today pero masaya ako dahil nafeel kong special ako. Sa mga nakaalala MARAMING SALAMAT!
Hindi pa diyan natatapos ang kwento...yan palang ang simula...
chum chants the magic words at 11:59 PM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|