Serendipity |
|
Wishing on the Same Star
Star light, star bright, First star I see tonight, I wish I may, I wish I might, Have the wish I wish tonight. Si kuya Norman ang naturo sa akin ng nursery rhyme na ito. At everytime na tumitingin ako sa langit sa gabi lagi ko itong nirerecite at nagwiwish, kahit na marami ng bituin sa langit tititigan ko lang ang unang bituin na makita ko hanggang sa makapagwish na ako atsaka palang ako titingin sa ibang bituin.
Since birth mahilig na ata ako sa stars, hanggang ngayon tandang tanda ko pa yung unang beses na natuto akong magdraw ng bituin. Ginaya ko ang drawing ng isang Christmas card at mula noon kahit saan nagdradraw ako, kahit sa gilid ng newspaper, sa mga lumang greeting cards, sa notebook ng mga kuya ko (kaya ako napapagalitan) at kahit sa dingding sa labas ng bahay namin, kaya yun pinagalitan ako ni daddy at pinaglinis kami ni ate Elsa ng dingding.
Dahil gusto ko ng bituin sa dingding hanggang ngayon mayroon akong glow in the dark na stars sa kwarto ko. Isa yun sa 18 Symbolic Gifts nung debut ko, si Tristan ang nagbigay. Alam niya kasing gustong gusto ko ng stars.
Unang beses ko naman makakita ng falling star eh noong Decmber 20, 1988 at huling beses ko naman makakita eh noong December 8, 2004 after ng mass sa UP Chapel.
Mayroon pa akong star map mga year 2002, binigay ni Jas at sabi niya bawat constellation na makita ko ay lagyan ko ng highlight. Madami-dami na rin akong nahighlight pero nawala yung star map ko. Naiwan ko kasi sa computer shop namin.
Hanggang ngayon nirerecite ko pa din ang nursery rhyme at nagwiwish pa rin ako sa first star na makita ko.
chum chants the magic words at 1:15 PM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|