Serendipity |
|
Sign? Twist of Fate? Or Serendipity?
Three years ago, July 21, 2001 to be exact, nagbreak kami ni Tristan, boyfriend ko for five years, pagkagraduate namin ng high school hanggang sa magraduate ako ng college naging kami. Almost 1/4 ng mga buhay namin kami na ang magkasama. Pero some things are really not meant to be.
Isa na siguro sa pinakamasakit na mangyayari sa buhay ng tao ay ang mawala ang taong mahal niya. Umaga hanggang gabi wala akong ginawa kung hindi umiyak. Hihinto na lang siguro ako sa pag-iyak kapag nakatulog dahil sa pagod sa kakaiyak. Paggising ko iiyak nanaman ako.
Hindi ko alam kung makakaya ko pang maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko kaya bukod sa strength, I prayed and asked God for a sign na sana yung susunod na lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako ay makilala ko sa simbahan pero pinalitan ko kasi madami akong pwedeng makilala sa simbahan so I asked for another sign na bigyan ako ng rosary. Never pa akong nakarinig na nagbigay ang isang lalaki ng rosary sa isang babae.
That same year lumipat kami ng mom ko ng bahay. New friends and new environment, na nakatulong sa akin mag move on. Nagenjoy ako sa pagiging single. Ang dami kong nadiscover tungkol sa sarili ko. Madami pala akong pwedeng gawin at mas nakilala ko kung sino ako. Noon ko nalaman na ang laki-laki pala ng mundo.
Ano na nangyari sa love life ko sa loob ng tatlong taon? May mga nanligaw, may mga nagkagusto at may mga naging fling. Sa mga nanligaw, walang nakagawa na mapamahal ako sa kanila. Kahit na alam kong prinsesa ang pagtrato nila sa akin. Pero mayroon akong sinubukang mahalin, pero mahirap pilitin. Sa mga nagkagusto naman nagsabi lang sila na gusto nila ako pero masyadong mataas ang tingin nila sa akin, na hindi daw sila qualified sa standards ko, na alam nilang mayroong mas nakakahigit sa kanila na para talaga sa akin.
Nakilala ko si Creamer two years ago dahil sa isang common friend. Nakikita ko lang siyang dumadaan sa tapat ng bahay namin, nagkakatinginan kami pero hindi kami nagpapansinan.
Early this year naging officially friends kami. Nagsimula yun nang mag-iwan siya ng message sa Friendster ko. “i think i know you... ikaw ba yung girl sa jasmin street? stay happy.=)” . Since that day buong araw kaming may communication, magkatext, magkachat, iwanan ng message sa friendster, magkausap sa telepono, dumadalaw sa bahay, pinupuntahan niya ako sa office or magmemeet kami sa SM. Parang buong araw na din kaming magkasama.
Sa pagdaan ng mga araw nagugulat na lang ako dahil sobrang nagiging close na kami. It seemed that we knew each other from another life and each of us enjoyed every bit of second that we are together. We had everything going so well. Hindi ko namamalayang natututunan ko na pala siyang mahalin. Kunsabagay hindi mahirap mahalin si Creamer mabait, sobrang malambing, matalino, maalalahanin, masarap kasama, masarap kausap minsan nga lang corny magjoke, magalang, mapagmahal at madami pang ibang magagandang katangian. Ano ang hindi okey sa kanya? Palaging late at mahilig mang-asar.
(Bakit Creamer ang code ko sa kanya? Ang buhay ko ay parang ordinaryong kape na nung dinagdagan ng cream mas sumarap mas nagkabuhay. Atsaka sa salitang CREAM tanggalin ang isang letra at baligtarin mo ito yun ang pangalan niya.)
Bigla akong natakot sa naramdaman ko. Dahil ilang taon na rin ang lumipas ng huli akong magmahal. Kaya pinagdasal ko siya, na bigyan ako ni Lord ng sign kung dapat ko bang ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan ko o dumistansya ako.
Yung araw na din na iyon medyo naging cold ako sa kanya. Hindi lahat ng text niya nireplyan ako. Ang gusto niya kasi kapag nagtext siya magrereply ako. Atsaka puro “Ah ok”, “cge”, “ingat” yan lang ang mga sagot ko sa kanya.
Nung araw na din na yun mga almost 11 PM na, magsasarado na ako ng shop, kakaalis lang ni Jan. Bigla siyang dumating, sobrang nagulat talaga ako dahil alam ko umalis sila ng family niya, dahil may family gathering sila atsaka late na yun usually hindi na siya lumalabas kapag mga ganun oras. Habang nagkwekwentuhan kami, may pinaglalaruan siya akala ko pantali sa buhok, tapos inabot niya sa akin. Yun daw yung token na ibibigay niya ng matagal sa akin. Binili niya yun nung mother’s day nung nagpunta sila sa Wow! Philippines. Sabi ko sa sarili ko “ah beads”. So hawak-hawak ko lang siya. Hindi kami nagsasalita. Sabi niya “Sinusuot yan eh”. Ang sabi ko naman “Eh deh isuot mo”. Habang sinusuot niya sa akin napansin ko na hindi lang pala siya ordinaryong beads na bracelet kung hindi rosary na bracelet. Bigla akong naluha. Bigla kong naalala ang hininge kong sign three years ago na nalimutan ko na. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nun. Patago kong pinunasan ang luha ko at nagpasalamat na lang ako. That is the weirdest thing that ever happened in my entire life. Hindi ako makatulog nun. Yung araw na iniisip kong lumayo sa kanya eh yun din ang araw kung saan mas napalapit ang loob ko sa kanya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko nuon. Is it just a coincidence or is it really a sign? After two days, nagtanong siya ng “Lex, alam mo kung saan kita unang nakita?” tinanong ko “saan?” ang sagot niya “sa simbahan”…
After a month we became a couple. Parang puzzle ang naging relationship namin, everything fell into its right place. We are very happy pati mga taong nakapaligid sa amin masaya din, mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Kahit mga hindi namin kaclose ay masaya, mga kapitbahay, mga kasama sa simbahan. We compliment each other. Tipong we are not perfect but we are perfect for each other. We brought out the best in each other.
Share ko lang. Bago ako pumasok ng office dumadaan muna ako sa UP Chapel, walking distance lang naman kasi, kung hindi man ako makadaan sa umaga after office na. Nung naging “kami” ni Creamer kasama ko na siya magdasal. Pagkasundo niya sa akin sa office sa UP Chapel muna kami pupunta. Kapag nagdadasal kami sa Adoracion Chapel magkahawak kami ng kamay. Kapag nagdadasal ako nakayuko at nakapikit. May isang time pagdilat ko nakatingin siya sa akin. I asked him “Bakit?” he answered “Sshhh, pinagdadasal kita”. Madalas pala niyang gawin yun. Everytime na mauuna siyang matapos magdasal before siya tumayo he will kiss me, in my head. Before kami umalis ng chapel we will kiss, just a smack.
After a couple of months nag The End ang aming fairy tale. Ang saya sana pero hindi lahat ng fairy tales ay nagtatapos ng “and they live happily ever after”.
chum chants the magic words at 4:20 PM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|