Serendipity |
|
Nawawala
JEEPNEY (Sponge Cola)
Bumaba ako sa jeepney
Kung saan tayo'y dating makatabi
Magkahalik ang pisngi nating dalawa
Nating dalawa
Panyo mo sa aking bulsa
Buong kahapon ay naroon pa rin
Ang tawa nati'y humahalay
Sa init nating dalawa
Subalit ngayo'y wala na (Wala na)
Ikaw ay lumayo na (Lumayo na)
Naaalala ko ang mga gabing
Nakahiga sa ilalim
Ng kalawakan
Naaalala ko ang mga gabing
Magkatabi sa ulan
Kulay nang iyong ngiti
At tikwas ng iyong buhok
Ang lambot ng iyong labi
Ng iyong labi
Kahit anino mo sa malayo
Ay nais masulyapan
Upang mapawi
Ang lamig
Subalit ngayo'y wala na
Ikaw ay lumayo na
Naaalala ko ang mga gabing
Nakahiga sa ilalim
Ng kalawakan
Naaalala ko ang mga gabing
Magkatabi sa ulan
Subalit ngayo'y wala na
Ikaw ay lumayo na
Lumayo na
Naaalala ko ang mga gabing
Nakahiga sa ilalim
Ng kalawakan
Naaalala ko ang mga gabing
Magkatabi sa ulan (2x)
(Naaalala) Magkatabi sa ulan... (Naaalala)
May pupuntahan ako, hindi ko alam kung saan, basta alam ko kailangan ko itong puntahan. Bakit? Hindi ko rin alam, siguro para makapag isip-isip, para makapagpahinga, para maghanap ng kasagutan. Ewan, hindi ko talaga alam. Ilang beses akong pinigilan ng dating kaibigan pero dahil sa matigas ang ulo ko hindi ko siya pinakinggan. Ilang ulit niya ring sinabi na huwag akong magtatago dahil hahanapin daw niya ako at susundan kahit saan.
Nasa labas na ako ng bahay ng may naalala ako, kaya bumalik ako ng bahay at kinuha ko ito. Naghihintay na ako ng jeep sa may terminal ng may naalala ako, kaya bumalik ako at kinuha ko ito. Nakasakay na ako ng jeep ng may naalala ako, kaya pumara at bumalik ako at kinuha ko ito. Malayo layo na rin ang byahe ng may naalala ako, kaya bumaba ako at bumalik at kinuha ko ito.
Hindi ko ito gusto, hindi ko pinagisipan at hindi ko napaghandaan kaya pabalik balik ako. Nakakapagod na. Wala na akong lakas para magpatuloy pa. Gusto ko ng magpahinga.
Hindi ako nakarating sa pupuntahan ko dahil nawawala na ako at pagod na pagod. Hinintay ko ang dating kaibigan, para hanapin niya ako. Pero ang tagal, wala pa rin siya. Oo magkaibigan na lang kami, yun ang napagkasunduan namin. Gagawin kaya niya ang mga binitiwang salita? Hinahanap kaya niya ako?
chum chants the magic words at 10:32 AM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|