Serendipity |
|
Blindfold
"Asan ka na po? Saan tayo magmemeet?"
"Andito sa tabi-tabi.Hehehe"
"Saan pong tabi-tabi?"
"Haha...Sa sanctuary mo. Hintayin na lang kita dito."
"Okay po. Punta na ako diyan."
Malayo palang nakita ko na siya. Gwapo pa rin tulad ng huli ko siyang nakita. Bagay sa kanya ang blue na polo na suot niya na kasing shade ng blouse na blue na suot ko. Tulad pa din ng dati, hindi ko pa rin mapigilang ang hindi mapangiti at hindi mapigilang tumalon ang puso ko tuwing nakikita ko siya.
"Hi po!"
"Hi din. Hmm, ano ba balak mo tonight? Saan mo ba ako dadalhin?"
"Basta. Suprise nga eh. Ahm...Do you trust me?"
"Syempre naman. Bakit mo naman tinanong yun?"
"Yun naman pala eh. Sige pikit"
"Huh? Bakit? Ano gagawin mo sa akin? Huwag po. Huwag po. Hahaha"
"Tse! Ang korni mo ha. Magtigil ka nga diyan. Hahaha. Wala akong gagawing masama sa'yo noh. Akala ko ba you trust me? Lalagyan lang kita ng blind fold"
"Bakit? Saan mo ba ako dadalhin?"
"Akala ko ba you trust me? Huwag ka na maraming tanong po."
"Kasi bakit naman kailangan pang nakablind fold eh madilim na nga. Baka madapa pa ako niyan. Kapag nadapa ba ako aalagaan mo ako?"
"Oo naman. Quiet! Para kang babae. Ssshhh...kala ko ba you trust me? Atsaka bakit naman hahayaan kitang madapa noh?"
Alas-siete ng gabi yun. Naghanda ako ng post birthday celebration para kay Al, isang picnic dinner by candlelight sa Sunken Garden.
"Oh, hakbang ka ng malaki may butas. Hawak ka sa shoulders ko medyo pababa ito eh. Dahan-dahan po. Ikot ka ng konti. Ayan. Upo ka."
Unti-unti kong tinanggal ang kanyang pagkakablind fold. Medyo kinakabahan ako sa magiging reaction niya. Maappreciate kaya niya? Madidisappoint? Maiinis? Matatouch? Haay ewan ko. Medyo nanginginig ang mga kamay kong namamawis. Mas kabado pa ako ngayon kaysa nung nagsolo akong kumanta sa misa dahil walang dumating na ibang miyembro ng choir. Pero mas mukhang kabado siya. Ano kaya naiisip niya? Hindi na siya nagsasalita eh.
"Hoy, Al okay ka pa ba? Humihinga ka pa ba?"
"Oo, isang oras mo na ata tinatanggal yang blind fold eh"
"Ayan tanggal na po. Wait lang huwag mo muna ioopen ang eyes mo hanggat hindi ko sinasabi"
Pumwesto na ako sa harap niya at sinindihan ang mga kandilang nakapaligid sa amin.
"Game. You can open your eyes now"
Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya. Habang kinukusot ang mga ito.
"HAPPY BIRTHDAY!!!"
Parang may malaking bato na bumara sa lalamunan ko dahil sa kaba. Tahimik lang siya. Tinignan niya ang mga nasa harap niya at tinignan niya ako.
Ang mga mata niya...Kapag tumitingin ako sa kanyang mga mata parang nawawala ang mga tao sa paligid namin...parang tumitigil ang pag-ikot ng mundo ko.
"Maraming, maraming, maraming salamat. Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya."
Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisnge.
"Walang anuman...Hmm blow your candle na, pero make a wish first"
Inilagay ko sa harap niya ang cake. Pumikit siya nagwish at binlow ang candle"
"Ano wish mo?"
"Secret! Bakit ko sasabihin sa'yo?"
"Argh!!! Sige na tayong dalawa lang naman ang makakaalam eh." Pinipilit ko siyang sabihin niya habang hinihila ko ang sleeves ng polo niya.
"Huwag na baka hindi magkatotoo."
"Okay fine. Hmm nagustuhan mo ba?"
"Oo naman. Sobra. Wala pang gumagawa sa akin nito."
"Meron na....Ahm...Ako..."
Ngumiti ako sa kanya at binalik niya ang mga ngiti ko. Inihanda ko na ang pagkaing binili ko sa The Chocolate Kiss.
"Ayan kain na tayo? Teka pray muna."
"Amen. Thank you, thank you, thank you." May ngiti sa pagkakasabi niya habang pinipisil niya ang baba ko.
"Welcome po. Uy! ang date ngayon eh 05-05-05. Eh deh hindi mo na malilimutan ang date na yan kasi may nangyari sayong kakaiba."
Habang kumakain kami, kinukwentuhan niya ako ng mga nangyari sa kanyang job hunting at mga family outings.
Pagkakain nagligpit na ako at humiga siya sa lap ko.
"Ang ganda ng mga bituin noh? UUYYY!" Nanlaki ang mga mata niya at may itinuro siya sa langit.
"Bakit? Nakakita ka ng falling star?" Tumingin ako sa langit.
"Oo"
"Syempre hindi ka nakapag wish kasi ang bilis.Haha"
"Wala akong alam sa mga constellations."
"Ako, may alam ng konti. Dati binigyan ako ni Jas ng starmap. Nung bago-bago palang ako sa Capitol, gabi-gabi akong nagstastar gazing at hinahanap ang mga constellations. Diba tinuro ko na sa'yo si Orion at ang red na star na Betelgeuse, na nasa may shoulders nito."
Sinuklay ko ng aking kamay ang buhok niya. Habang nagkwekwento sa ibang constellation na alam ko.
"Oo, pero hindi ko na natatandaan. Hmm...ahm..alam mo ba...ahm...hmm mahal daw kita." Pabirong halong may kaba niyang sinabi.
"Daw lang pala eh. Haha"
"Mahal kita...Mantakin mo yun mahal kita!" Sabay hawak sa kamay ko at tinignan niya ako "Ikaw, mahal mo pa rin ba ako?"
Tinignan ko siya sa mga mata "Oo, mahal pa rin kita."
Napatitig siya sa kawalan ng ilang minuto bago siya nakapagsalitang muli.
"Mahal na mahal kita."
"Mahal din kita."
Nagbuntong hininga siya at tumingin sa langit.
Minahal ko siya dahil sa kung ano yung siya na nakilala ko. Buong pagkatao niya minahal ko. Mga negative flaws niya lalo na ang positive ay minahal ko.
Marami pa akong gustong sabihin at alam ko siya rin. Pero hindi na kami muli pang nag-usap. Tahimik kaming nakikiramdam. Basta magkasama kami, magkahawak kamay o magkayakap kahit hindi nag-uusap ay masaya na kami dun. Sa ganoon lang, ramdam ko na mahal niya ako.
* * * * *
If I believed in paradise I'd swear I must be there I'd swear I must be there right now with you If I believed in miracles I'd know that one was happening to me But if I don't believe in paradise Then miracles aren't real Then someone tell me what is this I feel
I wanna believe it's love this time I wanna believe my heart's not telling me a lie But with you I can't deny if I believed in paradise I'd swear I'm there
If I believed in magic spells It all would be so clear 'Cause magic spells must have brought you here If I could see the future I'd see if you and I were meant to be But I dont know any magic And tomorrow's just a dream But something in this fantasy is real
I wanna believe it's love this time I wanna believe my heart's not telling me a lie I wanna believe it's love I wanna believe my heart's not telling me a lie But with you I cant deny If I believed in paradise I'd swear I'm there
I'm there I'm there If I believed.
chum chants the magic words at 5:05 PM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|