Serendipity |
|
KaTaNGaHaN?
Pagiging stupid ba yung may ginawa kang isang bagay pagkatapos mong gawin ay pagsisisihan mo? Tapos hihingi ka ng sorry duon sa taong ginawan mo ng bagay na yun. Kung hindi yun pagiging stupid eh ano tawag duon?
Last Sunday, after the mass hindi ko pinansin ang isang kaibigang sobrang special sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero yun lang ang alam kong dapat gawin ng mga moment na yun. Ang daming chance para magpansinan kami, kahit gabuhok na lang ang pagitan namin ay umiwas talaga ako.
Bakit ko ginawa yun? Para ipaalam sa kanya na nagtatampo ako, para ipakitang naiinis ako. Kasi ang nangyayari lang naman sa amin ay okay kami kapag nagkikita lang kami after that wala na, we're like strangers. Ang hirap minsan eh, diba dapat kung sino ang special sa'yo, kung sino mahal mo dapat magkita man kayo or hindi dapat okay ang relationship niyo. Diba dapat magkalapit man kayo o hindi dapat andun pa rin yung warmth ng friendship niyo. Yung mga simpleng magkakaibigan nga lang ay ganun what more pang special at mahal niyo ang isa't isa? Ilang beses na rin namin napagusapan na ayusin ang friendship namin pero wala akong nakikitang nangyayari.
After ko ginawa yun hindi ako nakatulog, naghihintay ako ng text niya. Na usually after ng mass palagi as in palagi niya akong tinitext. Walang mintis yun. Pero inabot na ng isa, dalawa at tatlong araw wala pa rin.
Gusto ko huminge ng sorry sa kanya the day after kong ginawa yun. Magsosorry ako pagkatapos ko gawin, ang labo noh? Hindi ko alam kung paano ako hihinge ng sorry, mageemail ba ako, magtetext or ewan. Ilang beses na ako nagcompose ng email at text pero buburahin ko din.
Bakit nga ba ako hihinge ng sorry sa kanya? Kasi naginarte ako? Kasi nagpakaimature ako? Kasi baka nasaktan ko siya? Minsan, as in minsan na nga lang kami magkita tapos ganun pa ang gagawin ko, na alam ko namang masaya kami kapag nagkikita kami, na alam kong namimiss ko na siya tapos hindi ko siya papansinin. Nasaktan ako sa ginawa kong yun kaya ilang araw din masama ang loob ko.
Pero hihinge pa ba ako ng sorry kahit alam kong hindi naman siya affected?
(Call me stupid or what, I don't know kung bakit ko pa ito pinost alam ko namang kakadalaw mo lang kanina dito. I'M SORRY. )
chum chants the magic words at 3:42 PM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|