Serendipity |
|
Sa Paglubog ng Sunken Garden
Brrr...Ang lamig parang December, it took me 15 minutes to walk from School of Economics to National Engineering Center, na usually mga 5 minutes ko lang nilalakad yun. Ganda ng weather, malamig tapos cloudy lang, sana ganito araw-araw. Habang naglalakad, pinapanood ko ang mga taong nagjojog, mga taong tambay sa Sunken, at mga taong naglalaro ng soccer.
Biglang natigil ako sa isang spot...may naalala...Umupo muna ako sa isang bench sa tapat ng Law. Sa bench na ito din ako umupo habang hinintay kita isang beses, mga bandang May yun last year, nagtext ka, sabi mo sabay tayong maglunch. Galing kang Pisay noon may seminar ata kayo, ewan hindi ko na maalala kung ano mayroon sa school mo. Habang hinihintay kita noon nakita na kita sa kabilang side ng street, pawis na pawis ka kasi tanghali pero in fairness ikaw pa rin ang pogi-poging neighbor ko, nung nakita mo na ako ngumiti ka na at parang nawala ang pagod mo, lumapit ka na sa akin at tinanong mo ako ng "Kamusta ka na?" Pumunta tayo ng SC para duon maglunch. After lunch naglakad na tayo papunta ng Sunken umupo sa isang bench sa tapat ng NEC habang naghihintay matapos ang lunch break ko. Ang bilis nga ng oras kapag kasama kita eh, at nung pumasok na ako, bumalik ka na ng Pisay.
Tumayo na ako sa kinauupuang bench at tinuloy ang paglalakad papasok ng office pero natigil ulit ako. Tinignan ko ang isang spot sa ilalim ng isa sa mga puno ng Acacia. Duon tayo umupo kasama si Badette pagkatapos natin kumain ng isaw. Naalala ko pa mga pinagusapan natin duon. Naalala ko pa ang mga sagot mo sa mga tanong ng intrigerang pinsan ko. Hindi pa "tayo" noon pero nagplaplano ka na tungkol sa "atin" after two years. Inabot tayo ng gabi, at nagstar gazing pa tayo. Ayaw ko pa umuwi kasi masaya ako dahil kasama ka, ikaw din sabi mo ayaw mo pa rin umuwi, kasi masaya ka dahil kasama ako. Kahit hirap na hirap na ako sa pwesto ko noon, dahil nangangawit na ako, okey lang, basta yakap-yakap lang kita.
Patuloy pa rin ang paglubog ng Sunken Garden, at sana isama na sa paglubog nito ang mga alaala ng nakaraan.
chum chants the magic words at 9:46 AM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|