Serendipity |
|
BuRNouT
Kakadalaw ko lang sa blog ni Jen, isang dating officemate at friend ko na sobrang miss ko na. Kaya ko sinilip ang blog niya eh para makibalita sa nangyayari sa kanyang buhay. Natamaan ako sa post niyang "Talaga Naman"
Oo, nakamiss na ako ng sobra sa isang tao. Sa sobrang pagkamiss, wala na akong magawa kung hindi iyakan siya. Alam kong andyan lang siya pero hindi ko magawang makasama siya. Haay, ang bigat ng ganung pakiramdam.
Nakakamiss kasi nasanay na akong andyan siya. Palaging kausap, palaging katext, palaging kasama. Hindi pa sumisikat ang araw hanggang pasikat na ang araw kung hindi kami magkatext, magkachat ay magkausap kami.
Nakakamiss yung sa umaga, hindi pa tumitilaok ang mga manok may mga good morning texts na ako galing sa kanya. Minsan pa, isang mata palang ang nakadilat kausap ko na siya.
Nakakamiss yung pag bukas ko ng YM sa office ko andyan na ang PM na "good morning sweetie".
Nakakamiss sa tanghali or sa gabi ang walang mintis na text na "kumain ka na po ba?"
Nakakamiss yung pagpapasok or pauwi galing sa office tinatanong kung asan na ako; kung nakadating or nakauwi na ba ako at ang walang kamatayang "ingat ka po". Kung hindi man kami magkatext ay magkausap kami habang nasa byahe ako.
Nakakamiss yung inuumaga kami sa telepono at nagtyatyaga na sa cellphone magusap na kahit every 15 mins eh napuputol, magreredial at minsan aabutin pa ng isang oras bago magconnect.
Nakakamiss yung bago ako matulog ang "goodnight, sweetdreams at mwah" niya ang huli kong maririnig. Minsan hinihintay pa niyang makatulog ako bago ibaba ang telepono.
Nakakamiss yung magkakatampuhan kami at siya ang mangaamo sa akin.
Nakakamiss yung pagtambay sa kung saan-saan kasama siya.
Nakakamiss yung lagi ko siyang nasa left side kasi dun siya sanay. Kahit na palihim ko siyang ipwepwesto sa right side ko, pupunta at pupunta siya sa left side ko.
Nakakamiss kumain ng isaw, pizza, pasta, shawarma, siopao na siya ang kasalo.
Nakakamiss yung 1001 ways niya to make me happy 25/8. Na lahat ng tao kahit kausap ko lang sa telepono ay ramdam nilang masaya ako...masayang masaya...
Nakakamiss yung pagsabi niya sa akin na naiinis siya dahil namimiss niya ako.
Nakakamiss yung pagsabi niya ng "i love you" in a child-like way.
Nakakamiss yung mga usap namin sa mata. Tipong nagtitinginan lang kami alam na namin kung ano ang gustong sabihin ng isa.
Ang dami-dami kong namimiss sa kanya. Pero sa lahat ang talagang namimiss ko eh ang pagmamahal niya...
Pero ngayon wala na...wala na...wala na...
Burnout Sugarfree
o wag kang tumingin ng ganyan sa 'kin wag mo akong kulitin wag mo akong tanungin
dahil katulad mo ako rin ay nagbago di na tayo katulad ng dati kay bilis ng sandali
o kay tagal kitang minahal
kung iisipin mo di naman dati ganito teka muna teka lang kailan tayo nailang
kung iisipin mo di naman dati ganito kay bilis kasi ng buhay pati tayo natangay
o kay tagal kitang minahal
tinatawag kita sinusuyo kita di mo man marinig di mo man madama
o kay tagal kitang mamahalin
chum chants the magic words at 4:28 PM||
* * * * * * * *
|
|
|
The Fairy |
Hi Iâm Chum. Iâm delighted you discovered your way here. Welcome to my humble abode.
|
|
VieW MY PRoFiLe |
|
|
|
Chat with the Fairy
|
unicahija5
|
|
|
|
Spend My Life With You
~ U Turn
|
|
|
Mystical Guests |
|
* * * * * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * *
|
|
|
The Faery is
|
|
E-mail Me |
|
|
|
CHRiSTMaS
CouNTDoWN
|
|
|
|
|