Dream?
I feel as though I'm in a dream and will wake up to find out its not true...
chum chants the magic words at 3:51 PM|CoMMeNTS(0)|
* * * * * * * *
Balita
Last August, I took my Civil Service Exam and thank God that I passed it. As a reward Gerry treated me to dinner.
Right now I'm looking for a new job, pero dito pa din sa UP. Grabe na ang pagkaloyal ko ah, since birth andito na ako. Andito na ako mula kindergarten hanggang magtrabaho ako. Sana before the year ends makahanap na. Actually masaya naman ako sa work ko ngayon kahit sobrang daming ginagawa, na minsan kahit Saturdays eh pumapasok ako. Gusto ko ang ginagawa ko, hindi ako nabobore, madami akong natututunan pero I'm not well compensated.
Dati kontento na ako sa kinikita ko pero kapag iniisip ko na bilang na pala ang mga araw ko sa pagiging single ay hindi sapat ang kinikita ko kapag nagkapamilya na ako. Oh well sana sagutin na ni Lord ang mga prayers ko. Eh ikaw kamusta ka naman?
chum chants the magic words at 3:05 PM|CoMMeNTS(0)|
* * * * * * * *
LaST FRiDaY
Last friday sa birthday lamunan at inuman ni Kuya Gerry payat.
Ang mga anghel sa UPD Budget Office. Si Tet, Joan, Donnie at ako.
Ang mga magkakatukayo sa office. si Gerry, si Gerry, si Mike at si Mike. Kaya dinugtungan ang mga pangalan nila ng Gerry Payat, Gerry Taba, Mike Giant at Mike Mola.
(mike mola, gerry payat, gerry taba at mike giant)
chum chants the magic words at 1:48 PM|CoMMeNTS(1)|
* * * * * * * *
Si aNDoNG
Ang pusa ko na si Andong...
Kaya Andong ang pangalan ng pusa ko kasi nung kuting palang siya eh mahilig siyang kumandong... Nakita ko lang siya sa may pintuan ng bahay namin... nakikishare sa pagkain ni doggie... tapos ayun nagpaampon na... pumapasok na sa bahay, nakikipupu at wiwi sa cr... totoo marunong siya gumamit ng cr... dahil hindi naman alagain eh inampon ko na... nakikishare din siya ng higaan sa akin or sa mom ko... malinis naman kasi kapag napagtritripan ng kuya ko eh sinasabay niya sa pagligo, hehehe...
Ginawang unan si blacky...
Yakap-yakap si Luigi, ang stuffed toy na bear, habang natutulog...
Nanunuod ng tv...
Nakikipagusap sa mommy ko si Andong...
chum chants the magic words at 3:59 PM|CoMMeNTS(1)|
* * * * * * * *
TuLoG Na
Mahilig makinig ng music si Gerry, kahit sino pa ang kumanta o kahit ano pang genre alam niya. Mahilig din siyang kumanta. Madalas ko siyang marinig na kumakanta lalo na kapag may sinasabayan. Minsan ginagamit pa nga niya ang kanta kapag may gusto siyang sabihin at kadalasan pa nga ay iniiba niya ang lyrics.
Isa sa mga favorite band niya ang Sugarfree at mula nung marinig niya ang kanta nilang "Tulog Na" ay lagi na niya itong kinakanta.
Tulog na mahal ko hayaan na muna natin ang mundong ito lika na, tulog na tayo
Tulog na mahal ko wag kang lumuha, malambot ang iyong kama saka na mamroblema
Kapag nakalean ako sa shoulder niya o kaya ay yakap-yakap niya ako, kinakantahan niya ako ng "Tulog Na" habang hinahaplos ang buhok ko.
Kadalasan kapag kulang ako sa tulog ay pinagsasabihan niya ako na I should get enough sleep at sinasabi pa niya ang mga benefits nito. Madalas niya akong pinapagalitan na "kulang ka nanaman sa tulog, tignan mo yang balat mo" (palibhasa kasi maganda at makinis ang balat niya) o kaya kapag friday at/or saturday night pagsasabihan niya ako ng "matulog ka ng maaga at huwag kang gigising agad, wala namang pasok bukas" o kaya ay "beh, idlip ka kapag wala kang gagawin"
Tulog na hayaan na muna natin sila mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan kung matulog, matulog ka na
Tulog na mahal ko nandito lang akong bahala sa iyo sige na, tulog na muna
Tulog na, mahal ko at baka bukas ngingiti ka sa wakas at sabay nating harapin ang mundo
May ilan kaming kaopisina na mabait kapag kaharap sila, pero kapag nakatalikod ay kung ano-ano na ang mga sinasabi. In a way naiinis ako dahil sa ganun ang mga ugali nila, pero mas naiinis ako dahil nakikita kong naaapektuhan si Gerry kapag may naririnig siya tungkol sa akin.
Palagi niyang sinasabi sa akin na kaysa sa magpaapekto ako dapat ay maging challenge ito para maimprove ko ang sarili ko, at maging inspirasyon ko para mas lalo akong maging matatag at maging magaling sa ginagawa ko sa trabaho. Kahit pilit nila ako pabagsakin alam kong hindi ako babagsak dahil alam kong andyan si Gerry para maging poste at sandalan ko. "I'll do my best to love and protect you. There will never be another Lexie that will come into my life. I love you"
Kung natutulog lang ako at isang panaginip lang si Gerry, sana hindi na ako magising pa.
chum chants the magic words at 3:28 PM|CoMMeNTS(1)|
* * * * * * * *
BuSY
Sabi ni Corbi "wag kayo maingay, busy si chum sa lablife!"
Ito ang ebidensya. Hahaha. Kamusta na ba daw ako. Ito, busy sa boyfriend.
Paano nagsimula ang lahat? Officemate ko si Gerry, naalala ko pa yung araw na nagkakilala kami. Napansin ko na siya pero hindi ko siya type. Ang tipo ko kasi ay moreno, maganda ang mata/mahaba ang pilikmata, at katamtaman ang pangangatawan.
Kapag nagkakasalubong kami nagtatanguan lang kami or babatiin niya ako ng "Hi/Hello Ms. Lexie."
May isang pangyayari na naging dahilan kung bakit kami naging close. Nagkahiwalay kami ng boyfriend ko at isa siya sa mga kaibigang hindi ako iniwan.
Madaming tao na ang nawala sa akin pero andyan pa rin si Gerry.
Nung unang beses siyang nagtapat lasing siya nun, at tuwing nakakainom siya dun lang siya nakakapagsalita. Kaya hindi ko siniseryoso ang sinasabi niya hanggang sa may isang pangyayaring napabilib ako sa kanya. Dahil sa pangyayaring yun duon ko narealize na mahal nga niya ako. Hindi ko na ikwekwento kung ano ang pangyayaring yun. Ito na lang ang sasabihin ko mas uunahin niya ako kaysa sa sarili niya. Mas uunahin niya ang gusto ko kaysa sa gusto niya, mas uunahin niya kung saan ako masaya kaysa kung saan siya masaya. Basta ako ang una kaysa sa ano pa man.
Walang magic, walang chemistry at walang spark ang nangyari sa aming dalawa. Ang naging foundation talaga namin eh friendship. Natutunan ko siyang mahalin dahil sa mga bagay na ginawa niya para sa akin at sa kung sino ang naging ako.
Kung naging pelikula lang ang aming storya pwedeng comedy-romance ang maging kategorya nito. Actually mas more on comedy kaysa sa romance. Lahat ng importanteng pangyayari sa aming dalawa ay comedy. Mula sa araw na nagtapat siya sa akin, hanggang sa sinagot ko siya hanggang ngayon. Hindi lang dahil sa comedy ang mga nangyayari sa amin ay masaya ako. Madaming rason kung bakit masaya ako sa kanya.
Isa sa mga sinabi sa akin ni Arm nuon "ang importante mas mahal ka ng lalaki kaysa sa mahal mo siya". Ganun ang sitwasyon namin ni Gerry. Mahal ko siya, mahal na mahal at kahit gaano pa katindi ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko mapapantayan ang pagmamahal niya sa akin.
chum chants the magic words at 1:44 PM|CoMMeNTS(5)|
* * * * * * * *
eWaN Ko, HiNDi Ko aLaM
Ang tagal kong nakatitig sa screen bago ko ito naisulat. Hindi ko kasi alam kung paano ko uumpisahan.
Ang tagal na rin since the last time na may naiblog akong matino...teka ang tanong may matino nga ba akong naipost? Hindi ko alam kung bakit natigil ang pagkahilig ko sa pagbloblog. Tulad din ba ng rason ng ibang tao na busy, o kaya ay walang maisulat, o kaya ay tinatamad, o kung ano pa man sangdamukal na rason na pwedeng maisip.
Ako, ano ang rason ko? Hindi ko alam. Oo, busy nga ako sa trabaho at sa madaming bagay pero sabi nga nila na you can always find time if you want to.
Hindi rin naman pwedeng wala akong maisulat dahil may mga nangyayari naman sa buhay ko.
Siguro ay tinatamad lang ako...pero hindi naman ako tamad na tao.
So bakit nga ba wala akong maipost? Ewan ko, hindi ko alam.
chum chants the magic words at 7:42 PM|CoMMeNTS(5)|
* * * * * * * *
JoHaRi WiNDoW
The Johari Window, named after the first names of its inventors, Joseph Luft and Harry Ingham, is one of the most useful models describing the process of human interaction. A four paned "window," divides personal awareness into four different types, as represented by its four quadrants: open, hidden, blind, and unknown. The lines dividing the four panes are like window shades, which can move as an interaction progresses.
1. The "open" quadrant represents things that both I know about myself, and that you know about me.
2. The "blind" quadrant represents things that you know about me, but that I am unaware of.
3. The "hidden" quadrant represents things that I know about myself, that you do not know.
4. The "unknown" quadrant represents things that neither I know about myself, nor you know about me.
source: Johari Window
My Johari Window
Arena (known to self and others) dependable, giving, helpful, kind, observant, sentimental | Blind Spot (known only to others) able, adaptable, brave, caring, cheerful, clever, confident, dignified, energetic, friendly, happy, independent, intelligent, knowledgeable, logical, loving, mature, organised, patient, quiet, reflective, relaxed, religious, responsive, searching, self-conscious, sensible, silly, sympathetic, trustworthy, warm, wise, witty | Façade (known only to self) | Unknown (known to nobody) accepting, bold, calm, complex, extroverted, idealistic, ingenious, introverted, modest, nervous, powerful, proud, self-assertive, shy, spontaneous, tense | Dominant Traits58% of people think that Lexie Zamora is friendly
All Percentagesable (3%) accepting (0%) adaptable (6%) bold (0%) brave (6%) calm (0%) caring (24%) cheerful (31%) clever (6%) complex (0%) confident (17%) dependable (20%) dignified (3%) energetic (6%) extroverted (0%) friendly (58%) giving (13%) happy (10%) helpful (6%) idealistic (0%) independent (6%) ingenious (0%) intelligent (31%) introverted (0%) kind (27%) knowledgeable (3%) logical (6%) loving (48%) mature (13%) modest (0%) nervous (0%) observant (3%) organised (6%) patient (10%) powerful (0%) proud (0%) quiet (3%) reflective (10%) relaxed (3%) religious (20%) responsive (3%) searching (10%) self-assertive (0%) self-conscious (6%) sensible (13%) sentimental (44%) shy (0%) silly (3%) spontaneous (0%) sympathetic (3%) tense (0%) trustworthy (27%) warm (27%) wise (3%) witty (10%)
chum chants the magic words at 8:53 AM|CoMMeNTS(2)|
* * * * * * * *
oNe YeaR CHaPTeR
February 21, 2005 ng nagsimula ang chapter mo sa buhay ko, at ngayon February 21, 2006 ang katapusan.
naalala mo pa ba nung nagsimula ang kabanatang yun? ang saya-saya ko diba to the highest level nga eh...kahit sinong makasalubong ko napapansin nilang masaya ako. kahit nga lang kausap ko sa telepono ay ramdam nilang masaya ako. na gustong gusto mo akong pinapanuod dahil masaya kang tinitignan ako dahil mukhang ang saya-saya ko at alam kong alam mo na ikaw ang dahilan ng kasiyahang yun.
tapos sinabi mong mahal mo ako at bale wala sayo kung hindi mutual ang feelings, ang sabi mo nga ay "mahal kita at hindi ko sinasabing mahalin mo din ako" pero hindi ko naiwasang mahalin din kita.
takot akong magmahal ulit sa mga panahong yun. diba kasi kakatapos ko lang magmahal sa isang kaibigan. sabi ko sayo na natatakot na ako, na napapagod na ako. ang sabi ko pa nga sayo kung hindi mo kayang panindigan ang pagmamahal mo sa akin ay huwag mo ng ituloy. pero patuloy mo pa rin akong minahal.
dapat matagal ng tapos ang chapter mo, ilang beses na rin akong nagpaalam. pero gusto mo pang habaan eh. gusto mo pang ayusin ang ating so called friendship.
sana huwag mong kakalimutan yung mga panahong masaya tayong dalawa, yung mga panahong gumagawa tayo ng mga simpleng bagay para mapasaya natin ang bawat isa, yung panahong andyan tayo para sa isa't isa, yung panahong inuumaga tayo sa paguusap sa telepono, yung panahong feeling ko humihinto ang mundo kapag kasama ka at yung panahong mahal natin ang isa't isa.
akala ko okey na ako yun pala hindi. affected ako dun sa kinuwento mo. bakit? kasi yung what if question ko, hindi yun what if...totoo yun...oo hanggang ngayon mahal pa din kita...
i never really gave up on you...not really...i always hoped that someday there will be an "us"...
walang nagbabago sa akin. kung gaano kita kamahal noon hanggang ngayon ganun pa din kita kamahal. hanggang ngayon umaasa pa rin ako bumalik ang dating ikaw.
naalala mo ba nung sinabi mong ayaw mo akong mawala sayo dahil ako na lang ang nagpapasaya sayo? na sa akin ka lang nakakapagopen up? na ako lang ang nakakaintindi sayo?
ang gulo ng mga nangyari sa atin...maayos tapos gugulo tapos maayos ulit...pero sa tingin ko ito na ang katapusan ng magulong pagkakaibigan na ito...sana...dahil ayaw ko na...masyado ng masakit...masyado na akong pagod...minsan gusto kong itanong sayo kung may masama ba akong ginawa sayo at sinasaktan mo ako ng ganito? minahal lang naman kita ah, masama ba yun?
haay habang sinusulat ko ito hindi ko maiwasang hindi ka mamiss ng sobra...dahil bumabalik ang mga alaala mo...sana maging masaya ka...alam mo naman na yun ang importante sa akin diba...na maging masaya ka...till then...wag mong kakalimutang mahal na mahal kita...
chum chants the magic words at 3:19 PM|CoMMeNTS(0)|
* * * * * * * *
NaGBaBaLiK?
Ang tagal ko ring hindi nakapagpost. Bakit nga ba?
Letter A) Busy. Ang daming ginagawa sa office, sa bahay at kung saan-saan at kung ano-ano. Kung dati araw-araw o oras-oras ko nadadalaw ang blog ko at blog ng mga friends, ngayon, maswerte na ang isang beses sa isang linggo.
B) Walang maisulat. Pwede din, kasi wala namang bagong nangyayari sa akin ngayon.
C) Tamad.
D) Hindi inspired magsulat. Hmm...do i have to say more?
E) Problemado. Problema sa opisina, sa bahay, sa mga kaibigan, problema ng mga kaibigan, at kung saan-saan pa. Sino ba ang hindi problemado?
F) All of the above.
Ang sagot? None of the above! Hehehe...loko lang...
chum chants the magic words at 9:33 AM|CoMMeNTS(1)|
* * * * * * * *
CoLLeGe BuDDieS
With my college buddies...
SuNKeN GaRDeN
MaNG JiMMY'S
chum chants the magic words at 12:16 PM|CoMMeNTS(1)|
* * * * * * * *
FiRST BeSTFRieND
I received a Friendster testimonial from April, my very first best friend and from whom I learned the definition of a "friend".
Here is her testimonial.
Lexie is a friend whom I shared part of my childhood with. After so many years of being apart, I found her here! I have so many memories about this girl. She used to be so boyish. A daddy's girl, the princess of the house and the neighborhood's crush ng bayan. She's good in everything especially street games, climbing trees and catching dragonflies. She taught me how to catch ants, make gumamela bubbles, spray air freshener to their dogs, ride the skateboard and how to break in through their window whenever they left the key inside. Now you couldn't imagine she was the same girl because she grew up to be very very LADYLIKE. But Im sure she still has the spunk. ;) Lexie, I hope to see you again someday =)
Guys, can you believe that I've done these things? Hahaha... Dati I'm so maldita, bulugan, suplada, mataray and masungit (ngayon slight na lang...hahaha).
I'm so touched that she still remembers all of these. Well I really do hope that I could see her again SOON because her testimonial made me miss her...
chum chants the magic words at 10:46 AM|CoMMeNTS(9)|
* * * * * * * *
|